Sunday, September 12, 2004
Kung mayaman ka!
Kung mayaman ka, meron kang "allergy"
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang"
Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress"
Sa mahirap, "sira ang ulo"
Sa mayamang "malikot ang kamay", ang tawag ay "kleptomaniac"
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"
Pag mayaman ka, you're "eccentric"
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad"
Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine"
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom"
Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic"
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba"
Kung ang seƱorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi"
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga" o "tsimay"
Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite"
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "jabbar"
Kung socialite ka at mataba ka, ikaw ay "pleasingly plump"
Kapag mahirap ka at ika'y mataba, "tabatsoy" o "lumba-lumba"...pagminamalas ka, "baboy"
Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay "game"
Kung mahirap ka, ikaw ay "pakawala" o "pam-pam"
Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay "liberated"
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo "malandi"
Kung may pera ka, ang tawag sa iyo "single parent"
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo "disgrasyada"
Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, "vegetarian"
Habang kakaawa ang mahirap na " kumakain ng damo."
Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay "walang hiya"
Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood"
Ang mga mahihirap ay "gumugurang"
Ang anak ng mayaman ay "slow learner"
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gung-gong"
Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says, "masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking"
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba"
Kung boss ka at binabasa mo ito sa PC mo, "okay lang"
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay" nagbubulakbol"...